cross (kros) 1: tumawid o tawirin 2: gumawa ng interseksiyon 3: gumuhit ng linya o mga linya sa isang panig patungo sa kabilâ 4: sa tseke, gumuhit ng dalawang mag-kaagapay na linya na tanda ng bayarin sa isang may account sa bangko 5: tanggalin sa listahan
double jeopardy (dó•bol dyé•par•dí) : kalagayan na muling litisin ang isang tao dahil sa krimen na dati nang nalitis at napagpasiyahan
double decker (dó•bol dé•ker) 1: anumang bagay na may dalawang deck o palapag 2: kámang may ganitong anyo
daily double (déy•li dó•bol) : karera ng kabayo na nagkakataló sa dalawang takbuhan; maaaring manalo ang pumusta kung nanalo ang dalawang kabayong tinayaan sa dalawang karera
double entendre (dú•bel an•tán•dra) 1: salita o pariralang may dalawang pakahulugan 2: katatawanan na gumagamit ng ganitong mga salita at parirala